Hay



Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na to. Mahilig akong mag-isip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang algebra, at math naman ang paborito kong subject nung college. kaya hanggang ngayon katuwang pa din ako ng mga kapatid ko sa pagkalkula ng kanilang asignatura (napaka tagalog). Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik’s cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang mag-isip, sisiw lang kahit yung pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging Computer Eng'g nga ako.


Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.


Lahat siguro alam ko na.


Pwera ka.


Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Kung ikaw ang Trojan, malamang kakailanganin ko ng Avira. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses to sa buong buhay ko, sa tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.


Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nag-iisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?


Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomalya ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung pano mo iyon ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa’yo.


Alam kong sinabi ko na sa’yo lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi “mahal kita” lang yung gusto kong sabihin e, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan language - kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas kumplikadong assembly language, o machine language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.


Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang ComEng na walang alam sa salita, pero ngayon, uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo:
MAHAL KITA!!!
oyeah. oyeah. oyeah. adik. adik. adik.

(P.S. ang background music nito ay ang awitin ni Regine Velasquez)
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

5 Response to "Hay"

  1. APRIL is my name:) Says:
    September 29, 2009 at 1:06 PM

    hhaahhaha,,yan nman ang pinka hate kung subject,,eow!

    cge sau na pseudo code pati algo,,hahahaha
    suko ako jan ate sui,,tnx!pero matibay nman ako sa pag.ibig,,i mean marunong akung magbalance pagdating sa pag-ibig..waheheheheh!QUIK BIITE!

  2. Sui says:
    September 29, 2009 at 3:54 PM

    @ April:

    hehe. Yun lang. if F implies P.
    bigyan natin ng pangalan. if Fonga meet Popoy. anu kaya mangyayari. waaah. ang labo noh. marunong ka palang magbalanse ha. kaya pala si papabeybz mo mukhang emo, tapos ikaw yung mukhang loko loko.. hehe

  3. chE says:
    September 30, 2009 at 7:24 AM

    hi san..galit ka ba? hehhehe hope not pinag isip mo ako sa bus hmmp.. apektado until pag uwi at tinatago ko kay dawits ung cp ko baka mabasa na neofyt tayo hahahhah sorry i didnt meant to do it.. CEM kase un na shock ako at napasakay na heheheh...di na ko nakapag pa alam...sorry dre... well well well dyan sa blog mo.. sabi ko na nga ba eh bakat pa rin eh... go ahead san kung san ka masaya hehehhe.. pucha napakalalim ng mga language.. nakalimutan ko na siguro yan heheheh... bye san sorry... rock on...

  4. Sui says:
    September 30, 2009 at 10:49 AM

    @ CHE:

    hey dre... okey lang yun noh. nigogood time ko lang kayo ni pudong. haha, di ako marunong magalit noh. at hindi ako katulad ni stone cold alam mo yan. waaah... nag worry kayo noh?. haha.. nashocked lang ako. 3 tayo eh, tapos di ko namalayan ako na lang andun. nakita ko pa mukha nyo ni pudong nakatawa samantalang ako nakamaskara dun. hehe..

  5. chE says:
    October 14, 2009 at 3:58 PM

    oist asan na ung post mo tagal naman hays...............akala ko ba me po post ka...