Hay



Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na to. Mahilig akong mag-isip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang algebra, at math naman ang paborito kong subject nung college. kaya hanggang ngayon katuwang pa din ako ng mga kapatid ko sa pagkalkula ng kanilang asignatura (napaka tagalog). Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik’s cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang mag-isip, sisiw lang kahit yung pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging Computer Eng'g nga ako.


Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.


Lahat siguro alam ko na.


Pwera ka.


Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Kung ikaw ang Trojan, malamang kakailanganin ko ng Avira. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses to sa buong buhay ko, sa tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.


Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nag-iisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?


Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomalya ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung pano mo iyon ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa’yo.


Alam kong sinabi ko na sa’yo lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi “mahal kita” lang yung gusto kong sabihin e, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan language - kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas kumplikadong assembly language, o machine language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.


Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang ComEng na walang alam sa salita, pero ngayon, uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo:
MAHAL KITA!!!
oyeah. oyeah. oyeah. adik. adik. adik.

(P.S. ang background music nito ay ang awitin ni Regine Velasquez)
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

ABAKADA



During the past months, I have experienced depression, loneliness, emptiness, chuvaness, eklavush, etc. I have been apathetic, emotional (super!), nostalgic, or whatever you may call a girl who’s obsessed with her past. I thought that I'd be like that forever, thinking that what's over can't be the present anymore. But now, I realized that I'm not like that anymore, so I dedicate this entry to all the people who have helped me be who I am today, a person who had died mentally and emotionally but resurrected (resurrected? Jesas Halp!)and now, a better and a stronger happy person.

Ito ang Alpabeto ng Aking Pasasalamat:

A - ACHE. My super loved sister na auntie! You know what, you're just the best. I am so lucky you're my sister and not my auntie.. hehe. Though you're super pasaway and hard-headed at times (huwaw, hindi halatang mas bata ako no? lol.), you're still the BEST. Huuuuugsss!!! Lablab. =)

B - BES. My guy bestfriend, Henrich. =) Marami nang pinagdaanan friendship natin and you're still here. I just want you to know that I appreciate all your efforts and sacrifices, super. Lalo na yung sa kaadikan ko, that you went home late at na-dedz ka sa mom and kay Ate Ice mo (wow close! =D). Thanks to me, you were grounded. Haha! Thanks. I treasure our friendship alot, kahit di halata. Promise. Hehe. Oh, and sorry kung wala akong kwentang katext minsan, sinasabi nga ni Denise, "Oh, yan Sui, nagdisappearing act ka na naman." Sorreeee! Huuuuuggggs! =D

C - CHE, the tall and pretty one (naks kabaligtaran ng height, pero pretty ka ha). I dunno, I have known you for weeks pa lang nun kayo ni Gel, pero somewhat I see myself in you guys. =D Your kalokohan and nakakatawang kwentos with demo pa, inspire me ALOT. I can't imagine my everyday without you guys. Haha! =D sana mag aamiga tayo hanggang pagtanda natin, kahit hindi na tayo magkasama sa eurolink someday. Thanks! Huuuuuggggsss!!! bigbite sessions natin mamaya ha.

D - DAH. Uhh, I'm sure you don't know me. Maliban na lang kung naaalala mo face ko (namin!) nung nakasabay kita sa bus. Haha! LOL. Naloka ako sayo eh (lol =D), nabuhayan ako ng energy and everything. Haha! Oh my, Sui. Tsk. Gawd. Stay great and cute! Errr, hope to see you again! =D Thank you! Huuuuuggggsss!!

E - EUROLINK TEAM KO. Guys, seryoso, thank you. If I hadn't known you, my first year in Eurolink would have been super miserable. I never thought life in this office would be this great! In the presence of great people like you guys, ang happy ng life! Despite the deadlines ng PETC requirements, stress, sleepless days natin na panakaw and everything, ang saya lang talaga. TANJO (bathala), I dunno, your presence just brightens up our day lalo na pag kumpleto tayo! Parang may something aura ka that makes people around you feel better, feel happy and secure dahil nga ikaw ang bathala ng office. You're this person who's great in everything you do, promise kuya Tan, your the Man at ikaw ang aming Bathala na walang malay! haha.. GEL , I can't imagine our office without you. Parang skeleton ka ng office, pag wala ka dun, parang lanta ang office. walang malakas tumawa, walang malakas ang boses, walang mangunguna sa pagkanta natin ng "Javines, javines, jajajavines.. mula gabi hanggang javines." haha.. Ano naman ang maseshare ko about JEFF.. syempre kung merong Alcoholics, di mawawala ang DIGBYHOLICS. "Oh my Marie hug me and thanked me" di ko malilimutan line na yan dude. waaah.. At kung ako ang Girl next door dati, (etchos!) syempre may Boy next door din. kilala nyo na ba? kunwari tahimik, pero subukan mong iwan sya sandali, magugulat ka na lang sa pagbalik mo alam nya na kaagad number ng mga babae sa paligid nyo at ito pang malupit, kinabukasan girlfriend nya na kaagad ang isa sa mga chicks na yun. mahilig kasi sya sa fried sisiw. yan si VENCHAN A.K.A Mask Rider Black pag nakasakay na sa kanyang motor. hays, wala na ako maisip. =D I look up to all of you, Team, friends! =D

F - FAMILY. Thanks to my Nay, my Tay and to my siblings. Syempre, walang tatalo sa family. Even I felt that the world had turned its back on me (ay, may back ba ang world?! Gawd, Sui!), you were still there to protect me and make me feel loved and special. You're my greatest possession. If ever God had given us the chance to choose our families, I'd still choose you 'coz you're simply the BEST and the COOLEST. To my nanay who cares for us so much, kahit ang tatanda na namin, ginigising pa, kahit sabi mo self-centered ako minsan, kahit sabi mo wala ako ibang inatupag kundi farmville, kahit sabi mo kukunin mo cellphone ko dahil text ako ng text this past few weeks, months, kahit hindi mo ako pinapayagan sa mga gala ko minsan, yung love na binibigay mo sa amin ay di mapapantayan ng kahit na anu man dito sa mundo. =) I love you, Nay! Super duper duper duper. To my Tay, thank you sa paghahatid sundo sa akin lagi and pati pag may mga friends akong laging sinasabay and pinapahatid kung saan-saan way back in college. Never ka nagreklamo. sa pag entertain sa mga suitor ko dati sabay yayain mo magbasketbol at ang pusta ay sanmig light. Thank you sa pagloload lagi sa prepaid nating SmartBro dati kahit ang lakas namin gumamit magkakapatid ng internet, don't worry ngayon libre na ang DSL natin. Thank you for buying me banana chips and cassava chips everytime nag-gogrocery ka. Thank you sa pagsusupport sa akin sa mga activities ko dati!!! I love you, Taaay. kahit wala ka na ngayon, mananatili ka lagi dito sa puso ko, namin and i know your happy sa heaven with God... (tears pls forget to fall down) Bros and sisters kung makukulit, salaaaaamaaaaat sa inyo. Lab ko kayo lahat.

G - GORGEOUS MAXADO. Uhh, the least person I thought I'd write here. Inagaw mo siya sa akin eh, inagaw mo si hungry boy. Haha! I don't even know you, haven't talked to you yet and we both know each other lang through kwentos ni tita, I think. And now I really am thankful for making agaw sa kanya from me. (ang arte koh.. as per tita, ganyan ka daw magsalita. waah) Errr, hindi naman talaga siya sa akin ngayon eh. siguro dati. Umeetchos lang ako ngayon. Hehe! I know di ‘mo’ naman mababasa to, pero thanks talaga, as in thanks. =D Hugs?! Huuugggs! bwahaha..

H - HAPRIL (APRIL)Haha. I like your name with the "H" eh, nasanay kasi ako ng HAPRIL na spelling sa mga friends ko eh na month ang mga name, I thought kasi ganyan talaga yung spelling nun pag kapampangan. Haha! Uhmm, haven't talked to you that much pa dati, as in chika. pero now magulo ka na din gaya namin.. wahaha.. nakakatuwa, i like your korean accent tsaka yung imbentong words mo like "QUICK BITE" as in quick ha... thanks, thanks, thanks at may kasama na akong single sa office.. haha.. SINGLE IS SEXY sabi sa ads ng Bench sa Trinoma.

I - "i love you"... ahaha ang kyut.. Good Day. sana masuspend na ang mga pasok ngayon para punta na tayong lahat sa opening ng Octoberfest, Sept.25.. yehey! octoberfst na.

J - JESUS CHRIST. Our Lord and Savior. Thank You for guiding me always. I owe you everything, just EVERYTHING. I now know why all these things happened to me, it’s because You want me to be stronger and more mature. And I’m sorry for EVERYTHING. EVERYTHING. Thank You. Thank You. Love You. =)

K - KAMBAL. You know my secret. Hehe. I never thought I'd share that to anyone. You never fail to be here for me. Though we don't see each other often now, though we don't write each other letters anymore, though we seldom send text messages, you were still that Kambal I knew more than 5 years ago. Kahit matanda ka na at ako, well, young pa (lol), hindi yun naging hindrance sa super friendship natin. Kelan ulit tayo gagala, Kambal? Mishuuu!! Labyu Kambal! =)

L - LALALALALALALASHENG... LALALALALALALASHENG... LALALALALALALASHENG... LALALALALALALASHENG.. yan ang reply ng mga dude and dudettes ko sa tuwing mag gogroup message ako ng mga emo at pagkahaba-habang message. hays, pasensya na guys. yun lang ang way ko to express what i really feel. salamat sa mga nakakaappreciate at sa mga naiinis. sorry na, maganda lang. bwahaha...

M - MUMU.. waaah, tao ba ito o mumu talaga? lagi na lang kasi syang nagpaparamdam sa office.. bigla bigla na lang na nasa loob na pala sya ng di namin namamalayan. nagkakatawang tao para lang makapasok sa room namin at makasagap ng chika.. wahaha, ashtig na mumu yun. babae kaya sya, pero sa anino nya, para syang gupit lalake. thanks din sayo mumu. sa wakas naka cope up na din kami sayo. alam na namin stilo mo. echoserang, usi! labyuh din..

N - NO. 7, KAY APLASCA. Err, kahit superstar ka Volleyball world, di lumalaki ulo mo. Thanks for sharing your life's stories with me. Thanks rin for listening to all my heart's dramas. You know what, yung promise natin sa isa't-isa naging effective sa akin, hope its the same there. Di na ko emo! Uhh, konti na lang pala! See you soon! Pakilala mo ako sa team ha! Huuuuuggggsss!! =]

O - OCTOBERFEST... i can't wait for this month. marami akong surprise sa buwan na ito. wahaha.. watch out for my comeback gig at fresca bar katipunan (formerly tapika). HAIR SUKLAY (my new band) will be performing 2 sets. first one starts at 9:15pm.

P - PHERLALUSH.. Closest friend. You know what, nung kinwento ko sayo yung kadramahan ng buhay ko, life started to UNRAVEL ITSELF. Thanks sa pakikinig sa kadramahan ko rin. =D Kelan ulit videoke session natin ah? Don't change ah, and sorry sa shortcomings ko, wag na kayo magtampo ni BING dahil lagi ako nasa paligid nyo, di lang halata dahil ako'y isinumpang maging Anino, (anino, hanggat di naaayos aircon dito sa office) Waaaah..Haha! Hope to see you soon. Thaaanks ulit! =D Huuuuugggggssss!!

Q - QUICK BITE.. yan ang breakfast ko ngayon dito sa office, nag skip kasi ako ng breakfast sa bahay kanina dahil lage na lang ako late, and i can't think of any remedy for this.. waah..

R - RICH and GAZHEL. Yeah, were treeeeplets. =D Wowowowowow na nakilala ko kayo. Nakakatuwa we have a lot in common. Pati yung suit natin nung college, pare-parehas halos ng di natin alam, amazing!

S - SIDNEY.. Oh yea. So thank you for making me that bitter person. Dahil sayo, I’m striving for more. Haha. Kahit mawala nang communication and everything, you were part of my history. “When love and hate collides.” I owe to you my success and failures too. Naks!

T - TIU.. (CHRIS TIU) pag napapanood kita parang di na ko lasalista, atenista na lang.. wafunes!!!

U - USISERANG PHICES ! Kung alam niyo lang na araw-araw ko kayo naiisip, tsk! Super mahal ko kayo, alam niyo ba yun? Thank you for treating me still as a part of the organization (the family). Distance won't break us apart. Kahit bihira na lang ako dumalaw diyan sa skul. wala nang papalit sa inyo. =D Group huuuuuuuggggggg!!!!

V - VEAUTIFUL... VEAUTIFUL BOY, where ever you are? when ever i see you, you will open the door. (SHIVAKER)salamat kay shivaker. kakatuwa mga tips nya.. waah..

W - WALTER and WENDY. Huwaw. Tagal na ring walang communication tapos wala pa kayo sa FB ko. Pero super thanks. Para kayong shock absorber ko eh, tuwing down na down ako, bigla na lang kyo sumusulpot, back to back tandem. Nakakatuwa. sana kayo na magkatuluyan habang buhay, para ang name ng baby nyo eh WENTER, as in Wenter Sonata (bisaya man?) Super thanks!! =D

X - XXX... Exklusibong, Explosibong, Exposé. Hosted by news anchors Julius Babao, Pinky Webb, and Alex Santos, and airs every Saturday after Maalaala Mo Kaya. haha.. wala akong maisip eh kaya ito na lang nakatulong pa ako sa kanila. wuhuuu!!! thanks sa karagdagang knowledge na hatid nyo.


Y - YNA.. YNANG KALIKASAN!! tinatawag na ako ni inang kalikasan.. be right back.

after 3 mins...

Z - ZE GIRLS OF LS. Wahaha! Gumaganun pa eh, nuh? Airapotz, Bipbip, Pepitapotz, Lyrabels, Amberlicious, RaiRaiPotz, Eckapotz and syempre, Wikiyows. Super duper duper duper duper duper duper thaaaanks. Grabe. Kung wala kayo, di ko maimagine buhay ko. Salamat sa pagtawa niyo sa mga jokes ko lagi, sa pagpapasensya sa akin twing tinotopak ako (lol, wahaha!), sa company, sa experiences, sa memories, sa lahat. Super duper thanks. See you guys soooooon! Lablab! Huuuuuuugsss. =D


Err. Sa Lahat, nabanggit ko man o hindi, super thanks. As in, as in. Sorry sa iba, sabaw na ako eh. Nakakadepress masiraan ng damit. =[ gawd. Hay.
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS