Moda Mode ka Kapatid

ang dami mong gusto
lahat na lang pinapangarap.
sana nga ay sapat ang panahon
o 'di kaya'y sobra-sobra pa.
mataas abutin pinipilit pa rin
kung mababa naman, walang kagana-gana.
nasa'n kaya 'yong tamang-tama?
hindi na makuntento kahit kailan
laging nag-aasam ng bago
lalo na 'yong naiiba
para bang moda na papalit-palit.
hanggang saan kaya
ang lakas na makakaya?
upang itong mundo'y hubugin
sa gusto at ayaw ng iyong sarili?
masaklap kung minsan ang buhay na ito
kaya kailangan ang tibay ng loob.
umasa sa liwanag na dala ng pag-asa,
konting tiis lang,
umaga na naman.

at bukas, sabado nanaman. laba mode naman. waah

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

Ako'y isang...?

Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan

isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya

isang mamamahayag na walang layang magsalita.

Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan

isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw

isang maralitang mayaman sa mga daing.

Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa

isang mayamang uhaw sa kalinga

isang mangingibig na 'di marunong magmahal

isang mangangaral na siyang walang alam.

Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan.

Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

oiwhagkhamallicot

hinto!
galaw ka ng galaw
hinto!
sumakay ka na lang
wag ka nang malikot
lilibot pa tayo
hanggang doon sa laot
hinto!
hindi mo mapipigil ito
kahit sabihin mo pang
hinto!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

Wui... Kababata Ba Kita?

Noong ikaw ay bata pa, nagawa mo ba ang mga sumusunod?...

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?


*alam mo din ang katgang ito "3rd base matamaan...joleyns"?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang pink na puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bente singko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... di ba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

*naaalala mo pa na mas masarap ang mellow yellow kaysa mountain dew?

*75 cents pa ang pamasahe n'un?

Hahaha! Love to remember the good old times. *SIGH!*

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

Part_Timer

Nakikinita-kinita ko na pagpasok ko bukas.. shoulder down malamang. hays... pero ayus na din, I can only say: God grant me a job that I can use my course. Let me fulfill the dreams. waah...

And yes, I'm working overtime, rather part time (2 work ko). I think I will be here for a few hours more. errr...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS