Ako'y isang manlalakbay na tinatahak ang naiibang daan
isang manunulat na pinagkaitan ng malilikahaing ideya
isang mamamahayag na walang layang magsalita.
Ako'y isang mandirigma na tinalo ng karuwagan
isang mang-aawit na sarili ko lamang ang naaaliw
isang maralitang mayaman sa mga daing.
Ako'y isang mananayaw na nagsasanga ang mga paa
isang mayamang uhaw sa kalinga
isang mangingibig na 'di marunong magmahal
isang mangangaral na siyang walang alam.
Ako'y isang manlalakbay na patuloy na naglalayag tungo sa kaligayahang hinahanap ng sangkatauhan.
Nangangarap. Nagmamahal. Nabibigo. Nasasaktan. At patuloy na naglalakbay...
0 Response to "Ako'y isang...?"
Post a Comment