Eurolink





Sa una ninyong pagkikita ay manghang-mangha ka.
Sa panlabas niyang anyo'y saludo't bilib kang talaga.
Kaya nga't ika'y agad na nahikayat sa kanyang mga kamay
Ang iyong kinabukasa'y ipagkatiwala.
Ngunit ng simulan mong subukan
kung anung mero't kaya nya
laking gulat mo't pangarap ay nagbago't naglaho na.
di mo mawari iyong nararamdaman,
kahit banaag ay wala kang makita
galit, inis o pagyayamot, "Hay" na lang ang sabi mo.
noong una'y nagtiis ka't umasang may magbabago pa
ngunit tinubuan ka na ng sungay ganoon pa rin sya
may pagbabago ma'y di mo nararamdaman
kahit hindi ka naman manhid talaga.
sa bawat minuto't segundong inilagi mo sa piling nya
wala kang ginawa kundi pintasan at sukatin sya.
"Bulok ang ganito", "parang anay yan si ganito".
lilipas din ang ilang taong pagtitiis at pag-aalipusta
sa sinasabi mong pasan mong daigdig
darating ang araw ika'y magiging masaya't makakaalis ka na.
Ngunit maaring malungkot ka't iiwan mo na sya
Siyang naging katuwang mo sa hirap at ginhawa
naging tahanan sa iyong pagtatrabaho
aminin mo man o hindi, nasasalamin sa'yong mga mata
na kahit nabigo ka sa iyong inaasahan,
siyang minahal mo't pinagkatiwalaang
maging tulay sa iyong mga pangarap.
siyang pinipintasan mo
siyang inaalipusta mo
siyang hinahanapan mo ng napakaraming butas
ay siyang minahal mo't naging bahagi ng iyong buhay..
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

2 Response to "Eurolink"

  1. chE says:
    May 21, 2009 at 10:30 AM

    expectations turns into failure.. ika nga... makaka ahon din dadating din ang panahon makakaalis din... rock on san! tama ba naman na ang word verification ko ay " iness" hahahaha kainis noh...

  2. Anonymous Says:
    May 28, 2009 at 11:46 AM

    almost the same dud, it happened to me that also...too much expectation ang nangyari...but who knows! di dito matatapos ang buhay natin...Sunshine is always there after the rain!!!