Kung ako lang eh naging lalake kahit na sang araw,
gugulong lang ako sa kama sa umaga, malamang nakaboxers lang ako, iinom ng beer sa gabi kasama ang barkada. magpapacute sa mga chiks, magaangas at hindi ako masisita ng kahit sino dahil kasama ko ang tropa.
kung ako lang naging lalake, malamang maiintindihan ko kung paano magmahal ng babae, at sinusumpa kong magiging mas mabuti akong nobyo kesa inaasahan nya. Makikinig ako sa kanya, kasi alam ko kung gaano kasakit yung mawalan ng minamahal dahil binabalewala ka lang nya at dahil lahat ng sa inyo ay nasira na.
Kung ako lang e naging lalake, papatayin ko ang cellphone ko, sasabihin ko na sira ito, para isipin niya na magisa lang ako. uunahin ko ang sarili ko, ako ang gagawa ng batas ko kasi alam ko namang magiging tapat sya sakin at kahit anu pa man e magaabang sa pag uwi ko.
pero hindi eh.
kung ako lang naging lalake, malamang maiintindihan ko kung paano magmahal ng babae, at sinusumpa kong magiging mas mabuti akong nobyo kesa inaasahan nya. Makikinig ako sa kanya, kasi alam ko kung gaano kasakit yung mawalan ng minamahal dahil binabalewala ka lang nya at dahil lahat ng sa inyo ay nasira na.
huli na para bumalik ka. sabihin na nating isa itong pagkakamali, kung iniisip mong pagbibigyan kita, kung iniisip mong hinihintay kita. pwes yun nga, maling mali ka dun.
pero lalake ka lang, hindi mo naiintindihan, kung papaano magmahal ng babae, aasamin mong sana naging mas mabuti ka pang nobyo kesa ngayon. hindi ka marunong makinig kasi hindi mo alam kung gaano kasakit. hanggang sa mawala nalang ng di namamalayan dahil hindi mo sya inalagaan at lahat ng sa inyo ay nawasak nang tuluyan.
dahil lalake ka.
seryoso!!! natuwa ako sa kanta. madalas ko itong marinig sa fx na madalas kong sakyan, minsan sa ministop pag bumibili kami ni che at gel ng chicha, at ngayon ngayon lang, ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng marinig ko ulit ito, sinasabayan ko si che sa isip habang kinakanta nya ito, hahaha.. aminado akong ayaw ko ng tinatagalog na kanta pero blog ko to at trip ko lang. para kasing mas tagos sa kalamnan at kasukasuan. para damang dama. ayan na. hindi ko pinlano at minetro kung paano ko sya itatranslate para tumugma sa melody nung kanta, wala naman akong balak na maging miss ganda at david idol, kuntento na ako sa pagiging ako “sui musikera”… pero kung mga simpleng salita lang ito ng pagmamaktol at paninisi na basta lalabas sa bibig ko, yan ang magiging resulta. wala naman akong pinatatamaan na lalake in particular. pero minsan ko nang naramdaman yan. wag ka na magtanong kung kanino kasi pare parehas lang yan. okaaaaaay, mag komento ka na lang, wag mo na din balakin gayahin o kopyahin pa itong komposisyon ko. naipasa ko na to sa warner music na katabi ng opisina ko. waaah
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
April 20, 2009 at 4:04 PM
uu san tamang tama ang post po kindly forward this to our client ahahahhaha.... uuu truelalo ito san... pwede ba send to email ko forward to all me gusto lang ako sendan ng makapal na mukha heheheh... uy nandyan pa name ko ha... natawa naman ako sa ms ganda at david idol naalala ko ung posters dyan sa tabi natin warner hehehheh rock on sui let's get it on...
April 20, 2009 at 4:06 PM
napaka balagtas mo naman iha.. kung ikaw lang naging lalaki! sana, babaero ka na din.. joke..mmmm.. Basketball Varsity ng Lasalle?
April 20, 2009 at 4:06 PM
kung meron david idol at miss ganda, ikaw naman si sui gansangitik, bwahahaha kung wala ka pang manager, pwedi akoo, im available and valuable...shhhhh im rhyming ahhihih keep pip pop...
April 20, 2009 at 4:11 PM
@ gel
dudette - kunin kita manager..
pag na approve ito sa warner huh.
April 20, 2009 at 4:19 PM
mare ikaw ang batas..hehe
April 20, 2009 at 5:00 PM
wui mare maganda ah... nkarelate ako ah...
April 20, 2009 at 5:58 PM
dude hirap maging lalake, dapat "LALAKI"...haha...handa ka ba sa tuli? hehe....simone!!!