nung bata pa ako, takot ako maiwan na mag-isa sa kwarto. maliban sa santambak na unan na nakapaligid sakin, katabi ko din ang kuya ko at isa ko pang nakababatang kapatid na lalake sa pagtulog. madami akong takot sa katawan e. ewan ko kung bakit ganun. dumating na sa punto na kailangan nang bumukod dahil syempre di na kami mga bata. kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na matulog mag-isa.
wala pa kaming sariling bahay nun. dadalawa lang ang kwarto. kwarto ng mga magulang ko at kwarto naming magkakapatid. minsan wala ang dalawa kong kapatid na lalake, nakikitulog kasi sila sa mga pinsan namin dahil sa pagpupuyat maglaro ng nintendo. (uu, nintendo ata yung uso nun) minsan pinilit kong ilagay yung kama namin katabi nung kama ng mga magulang ko. binuhat ko yun mag-isa, hindi ko nga alam kung san nanggaling ang taglay kong lakas nun eh, inisip ko na lang na dala yun ng takot. isipin mo, kolehiyo nako tapos nakatabi padin ako sa kanila. minsan din naman hinihiling ko na magkaron ako ng sarili kong espasyo sa bahay. asiwa din yun e. antanda tanda ko na tapos makikisiksik pa ako sa kanila.
mula ng kunin na ni Papa Jesas ang dakila kong ama, ayun! lumipat kami ng isa kong kapatid na babae sa bahay ng lolo ko. isang kwarto ang binigay samin. solo namin dalawa. kami lang ang natutulog, bale double deck yung higaan.. sa itaas ako at sa ibaba ang sis ko. pero minsan nakikisiksik pa din sya sa higaan nila lola. kaya ayun mag-isa nanaman ako. natutulog akong nakabukas ang pintuan ko sa balkonahe, tanaw ko yung krus ng simbahan na malapit sa amin. kinakausap ko si Jesas bawat gabi bago ako matulog. pinagdadasal kong bantayan ako kasi wala akong kasama. pero minsan sa kalagitnaan ng gabi, bumabangon ako sa higaan ko at lumalabas ng bahay ng di alam nila lolo't lola, pumupunta ako sa bahay naming totoo at tumatabi padin sa nanay ko ng di nya alam. minsan naman pag may natira pa akong lakas eh,... ibinubuhat ko ang bunso kong kapatid na babae papunta sa higaan ko. para may katabi na ako.. ewan ko ba.
Hindi ako sanay mag-isa... waaah!!!
Teka! bakit nga kaya ako nakakabuhat ng mabigat na bagay... tao man o bagay???
(siguro may taglay lang talaga akong lakas na lumalabas lang pag kinakailangan.. tulad ng muntikan ng bumagsak ang pinto ng opis pag bukas ko. mabuti na lang at ginamitan ko ng 100 porsyentong lakas para buhatin yun ng di sya bumagsak at tuluyang mabasag..)
Hanggang dito na lang muna folks!
hinihintay na ng mga dudette ang sagot ko kung ililibre ko sila o hindi.. at ang sagot ko DUH!.. neknek nyo.. wahaha..
April 7, 2009 at 4:41 PM
di ba takot ka mag isa? kaya nga hintay ka namin til 6...basta barayan mo ung OT namin... Taipan lang...sige na! para di ka mag isa umwi...sige ka isa ka lang dito na babae sa office...afraid ka:(
April 7, 2009 at 4:42 PM
hahaaha duwag...naalala ko pa nung nabuahat mo ung pinto ahhahaha iniwan moo sa kin ang bigat bigat nga nun.... naalala ko pa ang sabi mo... che... na parang kawawa hahahahah ganun duwag ka.. aus lang un basta pray ka kay Jesas, uy dami kame sacrifice sa pag hintay sa yo kaya nararapat lang na ilibre mo kame hahahah sige hintayin ka namin in Jesas name
April 7, 2009 at 4:43 PM
haha... uu nga noh. nanunuod na lang nga ako ng okat tokat sa tuwing umaalis kayo eh, para bumilis ang oras at makauwi na ako. pang 6times ko na napapanuod yung telekineses. hehe
April 7, 2009 at 4:46 PM
hirit pa ako..baka maawa ka sa amin, ang tibay mo, dahil kase afraid ka mag isa dito kami sacrifice, tomjones na kami ni che you know naman us, we're kinda panay gutom.... sige na!
April 7, 2009 at 4:49 PM
p***! pwede ba mag mura.. lagi nyo nalang dinadaan sa paawa effect.
April 7, 2009 at 4:50 PM
alms...alms....give us cup of TAIPAN noodles...
April 7, 2009 at 4:51 PM
ang haba ng comment ko nabura
April 7, 2009 at 4:52 PM
let's put it this way.. gagayahin ko na lang ang istilo ni che.
sagot ko na lang tag 25php nyo.
April 7, 2009 at 4:52 PM
ang sabi ko nung dati sabi mo pag na regular tayoo.... sabi mo libre mo kame kahit saan ... ngayon na ang best time san ha...lab u
April 7, 2009 at 4:54 PM
meaning??? tig 25 kami ni che??? 1 piso na lan di mo pa nilubos lubos eh 26 lang ung taipan..hmp! untevai! ( yan yung word verification ko hahaha)
April 7, 2009 at 4:54 PM
25 lang sagot mo> ahhh isipin namin di ba regular na tayo... ngayon na kain na tayo sa kenny ahhahahah
April 7, 2009 at 4:56 PM
ang kepel!! 25 lang huling tawad. anu deal or no meal?
April 7, 2009 at 5:01 PM
w0w,,maLa-t0gur0 ang dating natin hah,,
hihahaha:-)
khit cn0 nmn pg mejo nsa aLanganin,lumalabas ung tunay na lakas,,di masama matak0t...n0rmaL lng un pero ung buhatin ung mga tuLog,,naku pag nagcng un yari ka nyan...